Meet & Greet



Aba’y parang artista e..
Garne ang siste kapag may ‘meet & greet,’ may isang miyembrong magpapadala sa inyo ng paanyaya (kadalasa’y text) para sa nasabing gawain.

Syempre pupunta ka, sayang din yung libreng kain.



Pero bukod doon, makikita mo rin yung iba pang mga miyembrong hindi mo pa nakikita. Ito ay isang paraan lamang para makapagpakilanlan tayo; ako bilang miyembro at kaibigan, ikaw bilang magiging miyembro’t kaibigan rin.

Wala naman akong nakikitang masama sa pagpunta at pakikipag-usap mo sa mga bagong kakilala.
Kadalasa’y alangan ang mararanasan ng isang taong nakikihalubilo sa isang hindi pamilyar na paligid; pero nakasisigurado akong mawawala rin naman yun.

Sa isang samahan tulad ng Batangan ay mahalagang magkakakilala kayo nang higit sa mga pangalan at hitsura. Ang pagkakaroon mo ng sapat na pagkakaunawa sa kalagayan ng kapwa kasapi bilang tao ay makatutulong para sa mga susunod na suliraning kakaharapin ng samahan.

Sa aming paglisan ay umasa kaming mga kasapi na bitbit nila ang sayang dulot ng pagiging kabilang sa isang samahang may konkretong layunin.


Ang bawat lungkot ay may kaakibat na saya; sa iyong pagsimangot, biglang tatawa. Anumang pakiramdam mo sa mga sandaling ito, nandito ang Batangan handang makinig sa iyo. Sa aming paanyaya’y ikaw sana’y dumalo, nang makita mo ang sinasabi ko.



Article by Absolute zero
Photos by Kamla Alcantara

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Sem Starter

Metamorphose: The UP Batangan Executive Council A.Y. 2013-2014